Sa bawat araw na magdaan,
Aking sinusulyapan,
Ang paborito nating tambayan,
Umaasang kahit anino mo man lang,
Ay aking masulyapan.
Bawat araw na magdaan,
Ikay aking napapanaginipan,
Naaalala ang masayang nakaraan,
Mga ngiti moy di ko malimutan,
Masakit isipin ngunit ang lahat ay parti nalang,
Nang kahapong nagdaan.
Bawat araw na magdaan,
May kalungkutang nararamdaman,
Sa labi, ngiti ang iyong masisilayan,
Ngunit ang pusoy tila madudurog na ng tuluyan,
Yan ang mapait na karanasan,
Mula ng araw ng iyong paglisan.
Kahit ikay wala na,
Akin paring naaalala,
Paano tumigil ang mundo ko ng ikay makita,
Sa una nating pagkakakilala,
Doon palang ako'y lubusang nabighani na.
At ng tayoy magkasama,
Mas lalo kang nakilala,
Aking nakit mga katangian mong kay ganda,
Kaya naman,
Akoy tuluyang nahulog na.
Pinilit kung itago noong una,
Pag nariyan ka,
Pinipilit kung hindi ipakita,
Hanggang isang araw, nalaman ko na,
Hindi ko pala kaya.
Alam mo ba?
Nasasaktan ako pag may kasamakang iba,
Gayon paman,
Pinipilit ko paring ngumiti't tumawa,
Para hinada mo makita ang lungkot na natatago,
Sa likod ng aking mga mata.
Madalas kitang inaasar,
Madalas kitang niloloko,
Gustong-gusto kong nakikitang anis ang maamong mukha mo,
Pero ang totoo,
Yan ang paraan ko upang ipakita,
Ang mga bagay na da masabi ng puso ko.
Labis na nsasaktan ako,
Pag may nakitang luha sa mga mata mo,
Gusto kong upakan ang gumawa noon sa iyo,
Upang malaman nya kung paano dapat tinatrato
ang isang mahalagng taong kagaya mo.
Tanggapin ang lahat ang natitirang mgagawa ko,
Mahirap ngunit pipilitin ko,
Kung yan ang makapagpapasaya sa yo,
Hindi mo makikita ang mga luha ko,
Asahan mo ng pananatilihin parin ang ala-ala mo,
Sa pagkikita natin sa panaginip ko.